3.27.2007

Pilipino Pride Chicken

Nanggigil talaga ako sa isang “Pinay” na ka-opisina ko. Kaibigan ko pa naman. Nasaktan talaga ang pagka-Pilipino ko eh. Pero di ko rin siya masisisi, wala kasi siyang pagmamahal sa Pilipinas o sa pagiging Pinoy.

Naguusap kasi kami tungkol sa mga panahon na nakita namin ang mga nanay namin umiyak. Sabi ko, nakita ko lang si mama umiyak nung namatay si papa saka nung nagka-dengue kami ni sis.

(In English)
Friend: Anong dengue?
Mel: Di nyo alam yun? H-fever? Dengue fever? Yung nakukuha sa lamok?
Friend: Ha? Ano yun, malaria?
Mel: Hindi, no, iba yun.
Friend *ngiti*: Di namin alam yun, walang ganun dito. Ikaw kasi nakatira ka sa isang 3rd world country.
Mel *taas kilay*: Pinalabas mo namang lumot ang tinirahan ko!
Friend *nigit pa rin*: Ano pa bang meron dun? Mad cow disease? SARS? Anthrax? Bird flu?
Mel *kumulo ang dugo*: Excuse me?!
Friend: Sama ko no? Hihihi
Mel: SOBRA! Babatuhin kita dyan eh!

Nang-aasar lang naman talaga siya, at naasar talaga ako. Ano kala niya, dito walang sakit? Na dahil nasa "3rd world country" tayo, sobrang dumi at bulok ng Pilipinas? Sinubukan kong palipasin yung inis ko, kala ko kasi mapapalipas ko eh. Pero hindi ko mapalagpas. Hurt talaga ako. Siguro pagdating sa pagiging Pilipino ko, pikon talaga ako.

Kinausap ko rin siya the next day, kasi kaibigan ko yun eh. Mahal ako nun and alam ko na hindi naman niya syempre gusto na saktan ako o tapakan ang pride ko bilang isang Pinoy. Sinabi ko sa kanya na sadly, maraming Pilipino ang walang pagmamahal sa bansa nila, o kinahihiya ang pagiging Pinoy nila, kaya siguro hindi rin niya ako maiintindihan, kasi isa siya dun.

Inamin naman din niya eh, wala siyang association sa pagiging Pinoy kundi sa mga niluluto lang ng nanay niya, or sa mga kwento ng magulang niya noon. Pero eto ha, nakakaintindi siya ng fluent Tagalog – fluent enough for a conversation at least. Yun lang. Hanggang dun lang siya Pinoy, kaya nga “Pinay” siya with the quotes, eh.

Sa atin siya pinanganak pero dito na siya lumaki. Mula nung dumating siya dito, she hasn’t gone back and has no desire to go back. Kaya ang tawag niya sa sarili niya, NIYOG – brown sa labas, puti sa loob. MISMO.

Sabi ko nga, di ko siya masisisi. Nanay niya ang sinisisi ko. Hindi siya napalaki ng may pagmamahal sa Pilipinas o sa pagiging Pilipino. Iniisip ko tuloy, malamang hindi importante sa mga magulang niya ang pagiging Pilipino nila.

Ang lungkot. Feeling ko kasi, mangilan-ngilan na lang kaming natitirang may pagmamahal sa Pilipinas. Iilan na lang ang natitira who deserve to be called a Filipino. Ang lungkot, kasi napakaraming Pilipino sa Pinas at nagkalat sa buong mundo, pero ilan lang talaga ang may tunay na pagmamahal sa bansa ko.

Kaya sisiguraduhin ko na kahit nasaan lumaki ang mga magiging anak ko, lalaki silang mahal ang Pilipinas. Lalaki silang nagta-Tagalog, kumakain ng dinuguan at kare kare, marunong mag-mano at may drive para mapabuti ang buhay ng kapwa nila Pilipino.

Sisiguraduhin kong my kids will deserve to be called Filipinos. Di katulad ng ibang tao dyan sa tabi-tabi.

4 Comments:

At 3:37 AM, Blogger rzfdtwr said...

Awww, batch, I so get you. You're one of the few friends I have who share the same opinions, convictions, and pride I have regarding my Pinoy identity. Natatawa lang ako cause it followed this cute anecdote about your Japanese friend :)

It's been a while since I visited your blog! For a time kase, you weren't posting, kaya dumalang na dalaw ko.

Your link to my blog pala mali na. I deleted my friendster blog na e. It's now: rzfdtwr.blogspot.com

Miss ya, Batch!

 
At 5:32 PM, Blogger meL said...

thanks, batch! actually puti yung ofcmate kong yun. hehe! Thanks for informing me about your blog - ayusin ko pa nga yung links nitong blog ko eh to include yours. talk to you soon i hope. mishu too batch! *hugs*

 
At 8:27 AM, Blogger MerryCherry said...

Can I kick her for you? Pakisabi, may dengue man dito, may Yellow fever naman dun. At mas malala ang anthrax jan. At kung gusto niya ng listahan ng mga sakit na endemic jan at mas malala pa kesa sa mga andito sa Pinas, bibigyan ko siya. Ang sarap batukan ha.

Pero at least napatawa mo ko mga blogs mo mare. Wala kang katulad. As in. Miss you!

 
At 9:59 AM, Blogger meL said...

thanks che! haha! Nabatukan ko na rin siya talaga, so don't worry about kicking her for me - in a way, i kind of did that already. hehehe! miss na rin kita mare! :) haven't updated my blog in a while, haven't even checked my mail for almost 3 weeks na! hopefully i can catch up and update my blog soon. :) muwah!

 

Post a Comment

<< Home